dekada ’70 project

Mga Tauhan ng Dekada ‘70:
Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagama’t tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kaya’t lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagama’t taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at ng asawa.

Mga Artistang Gumanap
Vilma Santos (bilang Amanda)

Maayos na nagampanan ni Vilma ang kanyang papel bilang si Amanda Bartolome. Muli niyang naipakita na kayang-kaya niyang gampanan ang papel bilang isang ina. Hindi ito ang unang beses na nagpakita si Vilma ng magandang pag-arte bilang isang ina. Gumanap na din siya bilang isang ina sa palabas na Anak at naipakita din niya doon na hindi na iba sa kanya ang pagganap bilang isang ina. Kahit na ang makikita nating ekspresiyon sa kanyang mukha bilang Amanda ay halos puro pagiging seryoso, maayos niya iyong naipakita at hindi siya nagkamali sa bawat ekspresiyon o reaksyon na ipinakita niya. Makikita mo sa kanyang pag-arte ang pagiging matatag at palaban na ina ni Amanda.
Christopher De Leon (bilang Julian)
Si Julian ang tumayong haligi ng isang pamilyang nakasanayang magpahayag ng damdamin, kaya nagkaroon siya ng mga anak na mulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan at maganda ang pagkakaganap ni Christopher De Leon sa papel niyang iyon. Naipakita niyang mabuti ang mga katangian ng isang ama at naipakita din niya ng maayos ang mga katangian ni Julian na nabanggit sa nobela. Tama naman ang naging mga ekspresiyon ng kanyang mukha. Kahit man siya gaanong naipapakita sa palabas, maayos niyang nagampanan ang kanyang papel.
Piolo Pascual (bilang Jules)

Siya ang panganay na anak nila Amanda at Julian. Sa simula ng palabas ay makikita natin na hindi pa ganoon kabukas ang kanilang isip sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Eskwela, babae at paglilibang pa lamang ang kanilang iniintindi pero ng si Jules ay lumaki, sumapi siya sa isang kilusang kontra sa pamahalaan. Doon naipakita niya ang kanyang pagmamahal at katapatan sa bayan. Kahit na siya’y pinahirapan at pinarusahan ng napakabigat, hindi pa din siya nagsalita at pinanatili niyang tikom ang kanyang bibig tungkol sa kanyang grupo. Matagumpay na nagampanan ni Piolo ang kanyang papel. Naipakita niya ng maayos ang tunay na katauhan ni Jules. Makikita mo talaga sa kanyang mga ekspresiyon na ang katauhan ni Jules ay talagang palaban at matapang. Lalo na noong siya’y nadakip at pinahihirapan, bakas sa kanyang mukha ang pagiging matatag at pagiging matapat. Noong siya naman ay binisita ng kanyang pamilya sa bilangguan, makikita mo sa kanyang mga mata, noong ipinagmamalaki niya sa kanyang mga magulang na hindi siya nagsalita tungkol sa kanyang grupo, na talagang siya’y may matibay na paninindigan at hindi siya susuko hangga’t siya’y mamatay.

Marvin Agustin (bilang Emman)
Siya ang ikalawang anak ng mag-asawang Amanda at Julian. Naging manunulat at makita siya. Hindi siya gaanong ipinakita sa palabas pero para sa akin ay naipakita niya ang kanyang dapat ipakita. Naipakita niya ng mabuti ang mga katangiang taglay ni Emman. Maayos niyang nagampanan ang kanyang papel.
Carlos Agassi (bilang Isagani)

Sa kanilang magkakapatid, siya ang unang napasubo sa maagang pag-aasawa. Sa pelikula, makikita mo na siya’y palaging may kausap sa telepono at may ginagawa pa siya habang nagtetelepono. Babae nga siguro ang kausap niya kaya at isa siguro iyon sa mga naging dahilan kung bakit siya maagang nakapag-asawa. Siya’y pumunta ng Amerika para sumali sa US Navy kahit na hindi ito sinangayunan ng kanyang mga kapatid. Naipakita lang mabuti ni Carlos Agassi ang pagiging teenager ni Gani pero hindi na masyado nung siya ay na sa US Navy na.

Danilo Barrios (bilang Jason)

Si Jason naman ay ang miyembro ng kanilang pamilya na may pagkatamad ngunit mabait. Kahit na ayaw niyang bumisita sa Kuya Jules niya noong ito’y nasa kulungan, wala siyang nagawa kundi ang sumama at nagkausap pa sila ng Kuya niya doon. Napansin ng kanyang Kuya Jules na si Jason ay parang gusto ng bumilis ang oras para siya’y lumaki na agad-agad at magkaroon ng sariling kalayaan sa pagkilos at paggawa ng kanyang mga gusto. Tama nga ang kanyang kuya. Si Jason nga ay yung tipo na ngayon magaapura sa oras pero pagdating ng panahon eh magbabago din ang isip. Naipakita ng maayos ni Danilo ang katangiang iyon. Bagay na bagay sa kanya ang papel na Jason. Bata pa din siya noon katulad ni Jason kaya angkop talaga ang naging papel niya.

John Wayne Sace (bilang Bingo o Benjamin)

Siya ang bunso sa magkakapatid. Angkop ang pangalang Benjamin sa kanya dahil siya nga ang bunso. Siya ay inosenteng bata pa lamang noong mga panahon na nakikipaglaban na ang kanyang mga kuya sa lipunan. Siya ang nagtanong kung bakit pinakawalan pa ang kalapati dahil baka daw hindi na iyon bumalik. Ang sabi ng kanyang ina na babalik pa ang kalapati dahil wala namang ginagawang masama dito para hindi ito bumalik. Hindi masyadong pinapakita si Bingo sa palabas ngunit maayos na naipakita ni John Wayne ang pagiging inosente ni Bingo.

Balangkas
I .Tagpuan:
• Sa highway
• Sa isang bahay sa Maynila
• Sa kulungan
II. Banghay:
• Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na ginagawa ng mga sundalo.
• May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari sa panahon ng Martial Law.
• Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng Martial Law o batas military.
III. Tema:
Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.
IV. Istilo:
Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanika-nilalang tinahak. Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang mga naging epekto nito sa kanila.

Reaksyon sa Pelikula:
Ang Dekada ’70 ay isang mahusay na adaptasyon sa pelikula ng nobela nitong may parehong titulo. Napanatili ang kaluluwa ng nobela sa pelikula sa kabila ng limitasyon ng pelikula bilang isang audio-visual na medium. Marahil, nakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng iisang manunulat lamang. Naging maayos ang takbo ng pelikula na tulad sa nobela nitong nahati sa mga taon ng dekada ’70. Mahusay ang pagkakaganap ng mga pangunahing tauhan (maliban kay Carlos Agassi) na nakapagbigay hininga sa mga tauhang noo’y nababasa lamang. Naibalik ng pelikula ang larawan ng dekada ’70 sa mga eksena nitong nagpapakita ng mga demonstrasyon, protesta at rallies na tunay na nangyari noong panahon na iyon. Ang musika at tunog ay madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng pelikula. Naging mahina lamang ang disenyong pamproduksiyon ng pelikula na hindi naging masusi sa make-up, at kasuotan ng mga tauhan sa pawang hindi parating umaangkop sa panahon.
AngDekada ’70 ay isang pelikulang puno ng kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na kahulugan at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Bagama’t maliwanag na ang manunulat na si Lualhati Bautista ay nagmumula sa feministang pananaw, hindi naging radikal ang kanyang pagtrato sa isyu ng kababaihan. Sa halip mas pinaigting pa ng pelikula ang kahalagan ng papel na ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Mamumulat ang mga magulang na makakapanood ng Dekada ’70 sa tunay na papel na kanilang ginagamapanan sa mga anak. Sa kabilang banda’y mas mauunawaan ng mga anak ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na maging gabay sa anumang kanilang naisin sa buhay. Sinasabi ng pelikula na walang perpektong magulang o anak sa anumang panahon, ngunit mananatiling matatag ang isang pamilyang may tunay na pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa ibang tao at sa bayan.
Mensahe o Aral:
Para sa akin, ang mga aral na mapupulot natin ditto sa pelikulang ito ay ang pagmamahal para sa bayan. Makikita natin na ang pagmamahal ni Jules para sa bayan upang makamit ang kalayaan na nararapat sa sambayanan. Hindi dapat ito nililimitahan o kinokontrol ng pamahalaan na ang gusto lang ay kapanyarihan. Tama lang ang ginawa ni Jules dahil ganun din ang ginawa ng ating mga bayani ng ipagtanggol nila ang ating bayan sa mga mananakop. Makikita din natin sa pelikula ang pagkakaroon ng isang matatag ng pamilya. Kahit na si Amanda ay isang palaban na ina at nais niyang mas makilala pa ang kanyang sarili, hindi iyon nakasira sa kanyang pamilya kahit na iba ang idinidikta ng kanyang asawa at ng lipunan noong mga panahon na iyon. Ipinakita sa pelikula na ito ang kahalagahan ng isang ina sa pamilya lalong lalo na sa mga pagkakataong katulad ng na sa pelikula. Lagi nating tatandaan na hinding-hindi ka papabayaan ng iyong ina lalong lalo na tuwing kailangan na kailangan mo siya.

Ang mga tauhan sa “Dekada 70” ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon. Si Amanda na isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan, mataas ang pride at ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng kanyang mga anak.. Si Jules na may paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si Isagani na isang mapusok na kabataan. Si Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa pamamagitan ng pagsulat. Si Jason na isang mabuting anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules. Si Bingo isang mapagmahal na bunsong anak. Ang “Dekada 70” ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento ng isang pamilya na nahuli sa kalagitnaan ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga anak ng pamilyang ito na tumahak ng ibat-ibang landas. At ang magulang na humarap sa suliranin at di sumuko sa mga problemang dumaan.Tunay na sa isang pamilya masasabing “WALANG IWANAN”

Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino. Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970.

Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili. Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan. Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng anak at maghirap ang mga ito.

Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito “Paano mo palalakihin ang iyong mga anak sa panahon ng katiyakan.

buod:

A Ang mga salitang ito’y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga rali’t demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayan—ang dekadang 1970.
Ang nobelang Dekada ’70 (Carmelo & Bauermann; 228 pahina) ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista ay natatanging akda sa wikang Filipino hindi lang dahil sa pagkamit nito ng unang gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983 kundi dahil sa mapangahas na inilarawan nito ang isang lipunang noo’y nasa bingit ng pagbabago sa gitna ng papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig bago naganap ang tinaguriang EDSA People Power Revolt ng 1986.
Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People’s Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa’y nagmamasid na sa mga nangyayari.
Sa Dekada ’70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba’t ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa’t mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari “dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata’t pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan,” wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, “Well honey, it’s a man’s world.”
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao’y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa’y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
“Ang inyong anak ay hindi n’yo anak, Sila’y mga anak na lalaki’t babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama’t pinalaki n’yo,sila’y walang pananagutan sa inyo…” Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do’n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao’y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.
Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, “sa pagkakalayo ay may paglalapit din.”
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada ’70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.
Unang naipakilala sa ‘kin ang Dekada ’70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito’y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.
Sa mga panahong gaya ng dekada 70—na dekada ng pagkamulat at pakikibaka—natutunan natin ang aral na ang bawat isa’y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na “isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon”, ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma’y sadyang napapalitan ng bago.
Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, “ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.”

25 Comments (+add yours?)

  1. arianne jayde
    Jan 05, 2010 @ 11:47:31

    - thanks sa info hahahaha :))

    Reply

  2. BRYAN
    Jan 25, 2010 @ 06:35:19

    hallo togsing

    Reply

  3. BRYAN
    Jan 25, 2010 @ 06:36:13

    low

    Reply

  4. vanesa
    Sep 22, 2010 @ 11:49:47

    hmm,,,,yung pangyayari sa bawat taon ang hinihanap ko

    Reply

  5. raven de los reyes
    Jun 17, 2011 @ 14:21:49

    this is very beautiful novel i read.

    i know you can do more novels like this

    Reply

  6. cristina
    Jul 25, 2011 @ 07:14:46

    maraming thank you po,,,,,,,,,,

    Reply

  7. jaymied
    Jul 28, 2011 @ 13:19:34

    teinx .. so matx !

    Reply

  8. krizalyn
    Aug 30, 2011 @ 12:20:42

    thanks or the info

    Reply

  9. ej
    Sep 01, 2011 @ 11:28:45

    THANK YOU C:

    Reply

  10. Alison Green Calabio :)
    Sep 07, 2011 @ 04:48:00

    Thanks :) I have a question, anong teorya ang nangibabaw sa dekada 70?

    Reply

  11. eg@yahoo.com
    Sep 11, 2011 @ 14:04:17

    d naman cia ung nagsulat nian eh

    Reply

  12. rodalyn
    Sep 20, 2011 @ 12:28:53

    nice…!! thank you.// XOXOXO

    Reply

  13. Everlyn Amurao
    Oct 12, 2011 @ 13:18:13


    hayy ! meron na ko ! saLamat po ! :)

    Reply

  14. mharicris
    Oct 12, 2011 @ 13:32:35

    UNG SA TAGPUAN ??? sapat na ba un ???

    Reply

  15. jeremiah
    Oct 21, 2011 @ 06:46:12

    salamat sa reaksyon mo

    Reply

  16. melissa
    Nov 06, 2011 @ 07:08:49

    thanks po dahil meron na po akong project na pwede ko pong ipast buti na lang nand2 na lhat ng info tungkol sa ”dekada 70″ <3

    Reply

  17. Mary Joy Bultron
    Dec 29, 2011 @ 16:19:12

    THANK U POH………….
    nakatulong po kau ng husto sa mga estudyante na nagre-research about d2………

    Reply

  18. christian trongco
    Jan 16, 2012 @ 12:51:06

    –thanks kc my project nko!!

    Reply

  19. syram
    Jan 25, 2012 @ 04:58:28

    hmm..nako,,baka nagamit na to ng mga classmate ko ah..heheh….baka magkapareho kme hahaha

    Reply

  20. juliana
    Feb 23, 2012 @ 05:50:09

    thanks po nah d2 po ito malaking tulong po ito s mg aaral!!!!

    Reply

  21. JENNIEL
    Mar 01, 2012 @ 10:27:20

    ANG GALINA KA TANDA

    Reply

  22. JENNIEL ABALONAN
    Mar 01, 2012 @ 10:28:24

    BILIB KO AH3

    Reply

  23. jhon
    Mar 06, 2012 @ 09:18:20

    Salamat po. Malaki ang naitulong mo sa akin

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: